KONTRA sa decriminalization ng LIBEL si Senator Aquilino “Koko” Pimentel III, kasalukuyang chairperson ng Senate Committee on Justice.
Aniya, ito raw ang tanging remedyo para sa mga inidibidwal na sa pakiramdam nila ay nabiktima sila ng masasamang salita na naging dahilan para maapektohan ang kanilang dignidad at reputasyon.
Kakaiba ang posisyong ito ni Sen. Koko sa kanyang mga kasamahan na gumagawa ng paraan para i-decriminalize ang libel kaya imbes kulong ‘e ‘multa’ na lang ang parusa.
Muling umingay ang isyu ng decriminalization kontra libel nang katigan ng Supreme Court ang mga probisyon pabor sa online libel sa ilalim ng Cybercrime Law.
Kabilang sa mga Senador na nananawagan na i-decriminalize ang libel ay sina Senators Mirian Defensor-Santiago, Ferdinand Marcos, Alan Peter Cayetano, Francis Escudero, Edgardo Angara at Teofisto Guningona III.
Kaya naman hanggang ngayon ay hindi ako nanghihinayang na wala sa talaan ng aking ibinoto si Sen. Pan de koko ‘este’ Sen. Koko sa pagka-Senador … wala po itong personalan.
Nanghihinayang lang ako na hindi naging katulad ng kanyang erpat na si dating Senator Nene Pimentel si Senator Koko.
Naaalala ko noon kung paano nanindigan si Sen. Nene laban sa Martial Law at dikatadura.At pakikipaglaban aa malayang pamamahayag.
Malayong-malayo si Sen. Koko.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com