INISIP man natin na isa na namang framed-up ang paglitaw ng isang babaeng nagrereklamo na siya umano ay biktima rin ng pagsasamantala at panggagahasa ni Vhong Navarro, e sa pagkakataong ito ay gusto natin sundan ang kasong ito.
Ayon sa biktima, isa raw siyang audience sa isang noontime show nang magkakilala sila ng actor/TV host.
Kinuha umano ni Vhong ang kanyang cellphone number at pagkatapos ay tinext-text na siya.
Ano man ang gustong gawin ni Vhong sa kanyang buhay ay wala tayong pakialam.
Pero kung mayroon pang lulutang na iba pang babae at sasabihing biktima sila ng pagte-take advantage ni Vhong aba ‘e teka muna mukhang hindi na tama ito.
Sa kwento ni Deniece at sa kwento ng bagong biktima, mukhang conscious si Vhong para gamitin ang kanyang estado bilang artista para magsamantala sa kanyang fans.
Walang makukuhang simpatiya sa atin si Vhong kung mayroon siyang mga ganyang layunin.
Doon sa mga biktima, kung totoo po ang mga pahayag ninyo, panindigan po ninyo ‘yan.
Ang katarungan para sa ibang mga biktima ay nakasalalay sa inyo.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com