Monday , December 23 2024

GRO pinalo ng kaldero mister inutas sa saksak

022214_FRONT

PATAY ang 30-anyos  mister matapos gantihan ng saksak ng kinakasamang guest relations  officer (GRO), makaraang gulpihin at pagpapaluin ng kaldero, sa Caloocan City,   kamakalawa ng hapon.

Dead on arrival sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang si Benigno de Pedro, 30, ng Phase 1, Package 13, Block 31, Lot 23, Brgy. 176 ng nasabing lungsod, sanhi ng isang malalim na saksak sa dibdib.

Agad naaresto ang suspek na si Jennilyn Burlucio, 25, GRO, ka-live in ng biktima.

Batay sa ulat ni PO3 Renen Malonzo, may hawak ng kaso, dakong 4:15 ng hapon kamakalawa nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Salaysay ng 10-taon gulang anak ng mag-live in, kitang-kita niya habang ginugulpi ng kanyang ama ang kanyang inang si Burlucio hanggang pagpapaluin ng kaldero na puno ng kanin.

Dito umano nakakuha ng patalim si Burlucio at  inundayan ng saksak ang biktima sa dibdib dahilan ng kanyang kamatayan.

Selos ang  sinasabing dahilan ng madalas na pag-aaway ng mag-live in.

BEBOT PUMALAG SA HOLDAP BINARIL

KRITIKAL ang kalagayan ng isang bebot matapos  barilin ng isa sa dalawang hindi nakilalang holdaper, makaraang tumangging ibigay ang kanyang mahalagag gamit, sa Caloocan City,  kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang kinilalang si Cristine Demiar, 22-anyos, walang trabaho,  ng Phase 8-A, Package 14, Block 16, Lot 19, Brgy. 176, ng nasabing lungsod sanhi ng tama  ng bala ng kalibre .38 sa katawan.

Batay sa ulat ni SPO1 Harold  Solmayor, may hawak ng kaso, dakong 6:40 ng gabi sa tapat ng GOZZAP SuperMart sa Phase 1 ng nasabing barangay naganap ang insidente.

Sakay umano ang biktima ng pampasaherong jeep (PWW-698) papuntang Quezon City, nang sumakay ang dalawang suspek at pagtabi sa biktima ay agad nagdeklara ng holdap gamit ang dalawang kalibre .38 baril. Dito nagwala ang biktima na ikinagalit ng mga suspek at malapitang binaril si Demiar  na  malubha niyang ikinasugat kayag agad isinugod sa ospital.

ni rommel sales

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *