Friday , November 15 2024

Balahura magtrabaho ang DMCI sa NAIA

00 Bulabugin JSY

FOR the _th time …muli na naman na nag-patikim ng aksidente ang nire-renovate na Ninoy Aquino International Airport [NAIA] International Passenger Terminal 1 nitong nakaraang linggo.

Hindi akalain ng isang departing passenger na si Lorna Delos Reyes, 59-anyos, na sa halip na niyebe ang pumatak sa ulo nya ay ang bumagsak sa kanya ay styrofor mula sa kisame ng T-1 Departure Area na kanyang ikinabigla at muntik ikamatay.

Thank you Lord…

Mabuti na lamang at kasama ni Nanay Lorna ang kanyang kabiyak na si Jose Martinez na kasalukuyang hinihintay ang pagdating ng kanilang eroplanong Korean Airlines na sasakyan pabalik ng New Jersey, USA via Seoul, South Korea.

Sanhi ng pangyayari, tumaas ang blood pressure nito kung kaya’t kaagad na dinala sa MIAA Medical Clinic para tiyakin ang kaligtasan nito.

Sa ginawang pagsusuri ni MIAA Nurse Madeline Boyles, tumaas ang presyon ni Nanay Lorna sa 180/110. Mabuti na lamang at nakaugalian na nitong magdala ng maintenance pills kung kaya’t kaagad na kumalma.

At mabuti na rin na styrofor lang ang tumama sa ulo nya at hindi solid cement block.

Batay sa impormayon na nakalap natin mula sa ilang tao na naroon sa area, isang kamoteng tauhan ng F.R SEVILLA CONSTRUCTION na sub-con ng DMCI ang nagsasagawa ng renovation sa departure area ang ‘di sinasadyang nakatapak sa acoustic ceiling na muntik pa niyang ikahulog kaya nalaglag ang styrofor (ceiling board) sa ulo ni Nanay Lorna.

Sonabagan!!!

Ang laki ng kumpanyang DMCI in terms of building and other structure construction pero pag dating sa safety measures at protection net ay PALPAK!

Aba ‘e kung ganyan na balahura kayo magtrabaho sa airport ay mas mabuting kanselahin ang kontrata sa inyo!

Kaysa naman madagdagan na naman ng bagong titulo ang NAIA  na most unsafe airport terminal!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *