NANAWAGAN si Senadora Miriam Defensor-Santiago sa netizens kahapon na umaksyon laban sa aniya’y “erroneous” decision ng Supreme Court na pagpagpapatibay sa konstitusyonalidad ng online libel.
Sinabi ni Santiago, dapat maghain ng motion for reconsideration laban sa online libel o magpasa ang Senado ng bagong Anti-Cybercrime measure na magbabaliktad sa epekto ng desisyon ng SC.
Alin man sa dalawang ito, tiniyak ng Senadora ang kanyang buong suporta.
“I humbly submit that the Supreme Court ruling on this particular provision is erroneous and I call on all netizens to magnify all our efforts and to speed it up as soon as possible so that we can either file a motion for reconsideration with respect to this particular libel provision or we can speed it up here in the Senate on that new law that I have filed from crowdsourcing,” pahayag ni Santiago sa press conference sa Senado.
Bukod sa paghahain ng motion for reconsideration sa korte, sinabi ni Santiago na maaari rin magsagawa ang netizens ng protesta o mass demonstration bilang pagtutol sa desisyon ng SC ngunit nagbabala laban sa direktang pag-atake sa high tribunal.
“If you review the decisions of the Supreme Court, if you call other agencies name, the Supreme Court say we uphold freedom of speech. If you call the SC names, the SC will say we hold you in contempt. So that’s the risk you will run,” dagdag ng senadora.
Samantala, inihayag ng Concerned Artists of the Philippines na sila ay naalarma na nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang RA 10175 o Cybercrime Prevention Law.
Anila, naniniwala silang kapag naipatupad ang nasabing batas, ito ay sisikil sa kalayaan sa pagpapahayag ng mamamayan, kabilang ang mga artist na ginagamit ang cyberspace sa kanilang pagpapakalat ng art pieces, music, literature, films at iba pang akda kaakibat ang kanilang “socially-relevant and critical messages.”