Monday , December 23 2024

Importer ng Canadian garbage, kinasuhan ng BoC

Muling pinatunayan ng Bureau of Customs (BoC) na desidido ang ahensiya na panagutin ang mga sangkot sa smuggling sa bansa matapos pormal na kasuhan kahapon sa Department of Justice (DOJ) ang importer ng nasabat na 50 container vans ng basura mula Canada.

Ang importer na si Adelfa Eduardo, may-ari ng Chronic Plastics na nakabase sa Canumay, Valenzuela City at ang customs brokers na sina Leonora Flores at Sherjun Saldon ay nahaharap sa patong-patong na kaso ng paglabag sa Sections 3601 at 3602 ng Tariff and Customs Code of the Philippines (TCCP).

Nahaharap din sila sa paglabag sa Republic Act 6959 na mas kilala sa Toxic Substance and Hazardous Wastes and Nuclear Wastes Control Act of 1990 at Article 172 at Article 171 ng Revised Penal Code of the Philippines.

Ayon kay Customs Deputy Commissioner for Enforcement Group Ariel Nepomuceno, malinaw na ipinagbabawal sa batas ang importasyon ng mga mapanganib at nakalalason na bagay, pati ang maling pagdeklara ng importasyon.

“Ipinapakita lamang nito na ang BOC sa ilalalim ng liderato ni Commissioner John Sevilla ay buo ang loob na panagutin ang mga ismagler. Hindi namin hahayaang magpatuloy ang ganitong mga ilegal na gawain lalo pa kung ito ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan at kaligtasan ng mga tao,” ani Nepomuceno.

Matatandaan na nadiskubre kamakailan ng BoC Enforcement Group na pinamumunuan ni Nepomuceno ang 50 container vans ng basura kabilang ang ilang plastic at adult diapers na nagkakahalaga ng P10-milyon matapos ideklara ng consignee bilang scrap metals.

Dumating ang container vans sa loob ng anim na batch mula Hunyo hanggang Agosto noong nakaraang taon sa Manila International Container Port (MICP).

Nauna nang sinabi ni Nepomuceno na ipag-uutos niyang ipabalik ang mga nasabing basura pabalik sa point of origin nito sa Canada.               (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *