Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

P800-M pekeng produkto nasamsam sa Olivarez Compound

021914 Olivarez Compound fake

IPINAKIKITA sa media ni Bureau of Customs De-puty Commissioner Jessie Dellosa ang P800 milyon halaga ng mga pekeng Havaiana, Oakley, Converse, Nike, Jordan at Skechers products sa loob ng Olivarez warehouse sa Parañaque City. (BONG SON)

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) Intelligence Group at Intellectual Property Office (IPO) ang mga pekeng produktong mga bag at sapatos, tinatayang nagkakahalaga ng P800 milyong sa Olivarez Compound sa Barangay San Dionisio, Parañaque City, inulat kahapon.

Isinagawa ang pagsakay matapos ang tatlong  linggo na surveillance na sanabing bodega ngunit walang naaresto

Narekober din sa mga bodega ang 50 sako ng “refined sand-like powder” na isasailalim pa sa chemical analysis upang matukoy kung anong uri ito ng pulbura.

Ayon sa BOC, pag-aari ng pamilya ng alkalde at kanyang amang si dating Mayor at incumbent Brgy. Chairman Pablo Olivares ang sinalakay na mga bodega.

Samantala, ayon kay Parañaque city Mayor Edwin Olivarez, hindi nila kukunsintihin ang mga iligal na gawain ninuman.

Ayon pa sa alkalde, inupahan ng ZQL Enterprises ang kanilang warehouse ng isang nagngangalang Richard Gonzales Cheng.

Binigyang diin pa ng alkalde na hindi nila pag-aari ang nakompiskang mga pekeng produkto.

“I have instructed our police chief, Senior Supt. Ariel Andrade, to conduct a separate inquiry to get to the bottom of this incident and to file charges against anyone found violating the law,” pahayag ng alkalde.

Kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines at Tarrif and Customs Code ang mga consignee at  ang may-ari ng mga pekeng produkto.

Sa nakalipas na dalawang linggo, umabot na sa P1.6 bilyon ang halaga ng pekeng produktong nasamsam ng National Bureau of Investigation (NBI), BOC at IPO sa 23 magkakahiwalay na bodega sa Maynila, Pasay at Parañaque.

(LEONARD BASILIO/JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …