HUMIRIT sa Makati Regional trial Court (RTC) ng hospital arrest ang kampo ng tinaguriang isa sa mga utak ng P10 billion pork barrel fund scam na si Janet Lim-Napoles.
Ayon sa abogado ni Napoles na si Atty. Fay Isaguirre Singson, natuklasan ng doktor na may ovarian tumor si Napoles at kailangan ng tuloy-tuloy na gamutan at mas madalas na medical check-up.
Dumaranas aniya ang kanyang kliyente ng pagdurugo, hypoglycemia, pagbaba ng timbang at pananakit ng dibdib at tiyan.
“Accused humbly begs the kindness and human compassion of the honorable court to allow the examination to be done by a certified medical physician pre-ferably her current doctor and in a reputable hospital such as St. Luke’s Hospital to ensure the correct prognosis and prescription,” bahagi ng kanilang mosyon.
Una rito, hinihiling ng ilang grupo na ilagay na lamang si Napoles sa regular jail facility im-bes sa Fort Sto. Domingo dahil itinuturing nilang VIP ang paglalalagay sa akusado sa hiwalay na kulungan. (HNT)