Monday , December 23 2024

LTO Chief Tan, Ipinasisibak ng mga empleado

IPinasisibak ng mga empleado ng Land Transportation Office (LTO) si LTO Chief Alfonso Tan.

Ito ayon sa mga LTO employees ay bunga ng hindi pagbibigay-alam sa kanila ni Tan kung bakit  pina-pull out sa registration Office partikular sa main office ng LTO ang mga CSR computer na gamit sa pagrerehistro ng mga sasakyan. Naipadala na ng mga empleado ng LTO ang kanilang reklamo laban kay Tan sa Civil Service Commission (CSC)

Sa kanyang panig, sinabi ni Merceditas Gutierez, hepe ng registration section sa main office ng LTO, maraming bilang ng mga sa-sakyan ang hindi nila mairerehistro sa pag-aalis ng CSR computer. Ang naturang pasilidad ay gamit sa pag-scan sa mga dokumento ng sasakyan mula sa record ng LTO.

Nitong nakaraang araw, nagsuot ng itim na t-shirt ang mga empleado ng LTO na may nakasulat na “ano ba ang nangyayari” dahilan sa pagbababa ng mga desis-yon ni Tan na hindi man lamang naipaaalam sa mga tauhan dahilan para maapek-tohan ang kanilang trabaho.

Maraming bilang ng  car owners ang naunsyami sa patakarang ito ni Tan na umano’y malaking apekto sa operasyon ng LTO para serbisyohan ang publiko.

Palagian naman wala si Tan sa kanyang tanggapan para kausapin ng media.

Sinasabing nagtatago daw sa media si Tan dahil ayaw ma-interview ng kahit sinong media practitioner makaraang mabira sa kawalan ng plaka ng mga sasakyan at car stickers.

 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *