Monday , December 23 2024

16-anyos, 2 utol na paslit tupok sa sunog (Bahay ikinandado ng lola)

BACOLOD CITY – Patay ang tatlong batang magkakapatid nang makulong sa nasusunog nilang bahay kahapon ng tanghali sa lungsod na ito.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Rica Montero, 16, pipi; Rex, 4; at Kulot, 3-anyos.

Natutulog ang mga biktima nang mangyari ang sunog dakong 12 p.m. sa Purok Cauayanan, Brgy. Handumanan, Bacolod City.

Napag-alaman na wala sa bahay ang mga magulang ng mga bata na namili ng panindang gulay.

Kasama lamang ng mga bata ay ang kanilang lola ngunit sinasabi na  ikinandado ang pinto upang hindi maglaro sa labas ang mga biktima.

Ayon sa ulat, nagsaing ang lola ngunit umuwi saglit sa sariling bahay na katabi ng bahay ng mga biktima.

Ngunit pagbalik ay malaki na ang apoy at hindi na nagawang mailigtas ang kanyang mga apo. Sugatan din sa insidente ang lola ng mga biktima.

Mabilis na kumalat ang apoy at nilamon ang lima pang kabahayan.

Inaalam pa ng mga bombero kung ano ang sanhi ng sunog dahil may nagsabi na posibleng sa charger na pumutok na ginamit ng piping biktima, nagsimula ang apoy.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *