Monday , December 23 2024

Pedestrians, bikers humirit sa SC

Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang Share the Road Movement, upang hilingin sa pamahalaan na bigyang prayoridad ang mga nais maglakad o magbibisikleta sa mga lansangan.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bureau Director Atty. Juan Miguel Cuna, kabilang sa kanilang mga inihihirit ang pagpapalabas ng “Writ of Kalikasan” upang maipatupad ang Executive Order 774 ng 2008, na nagsasabing dapat bigyang prayoridad sa paggamit ng kalsada ang mga gustong maglakad o magbisekleta.

Nagtipon-tipon ang grupo sa Luneta at naglakad patungo sa Supreme Court kahapon.

Tutulak din ang grupo sa Senado upang maghain ng panukalang batas para ilaan ang bahagi ng mga kalsada sa bansa para sa mga maglalakad o magbibisekleta.

Tutol ang grupo sa mga malakihang road projects sa Metro Manila na aarangkada ngayong buwan.

Anila, sa halip na gastusan ito ng bilyon-bilyong pondo ng bayan, mas mainam na higpitan na lamang ang ipinatutupad na batas para lumuwag ang mga kalsada.

UNIBERSIDAD KOLEHIYO ‘DI SINANGGUNI NG MMDA

Masama ang loob ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) dahil hindi sila nakonsulta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagtatayo ng Skyway 3 project sa Metro.

Ayon kay Adamson University President Fr. Gregg Banaga,  pinuno rin ng CEAP, hindi sila nasabihan hinggil sa traffic summit kahit maraming paaralang maaapektohan ng mga proyekto.

Kaugnay nito, magpupulong ang CEAP at iba pang grupo tungkol sa malawakang road projects na magdudulot ng trapik at makaaapekto sa mga estudyante.

Hindi rin anya nila mai-adopt ang panukala ng MMDA na distant learning sa mga estudyante maging ang satellite campuses dahil patapos na ang klase habang ang online learning ay para lamang sa mga graduate school.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *