INIHAYAG ni National Economic Development Authority Director General Arsenio Balisacan na aabutin pa ng mula 10 hanggang 20 taon bago tuluyang mare-solba ang problema ng kahirapan sa bansa.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Balisacan, sa kanilang pagtaya, aabot ng mula 6.5 to 7.5 percent ang full growth rate ng bansa ngayon taon ngunit kailangan magtuloy-tuloy upang maiangat ang pamumuhay ng mahihirap na mga Filipino.
Sinabi ni Balisacan, maging ang mga bansa tulad ng Indonesia at China ay hindi agad naramdaman ang pag-unlad ng kanilang ekonomiya.
Isinisi ng NEDA chief sa kakulangan ng infrastracture projects, sa red tape at sa kaguluhan ang problema sa kahirapan kaya matumal ang pasok ng mga bagong investment sa bansa. (ROSE NOVENARIO)