NAKATAKDANG magpalabas ng preventive suspension order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa dalawang bus company na nasangkot sa madugong aksidente sa Camarines Sur na ikinamatay ng lima katao.
Ayon kay LTFRB executive director Roberto Cabrera, nakatakda rin nilang pagdalhan ng “show cause order” ang Antonina Bus at Elavil Provincial Bus lines na nasangkot sa head-on collision, na ikinamatay ng dalawang driver, konduktor at dalawang pasahero.
Sinabi ni PO3 Michael Moran, imbestigador ng nasabing kaso, umaabot sa 45 pasahero mula sa dalawang bus ang nasugatan sa insidente.
Nabatid na biyaheng Maynila ang Antonina bus (TYL-144) at biyaheng Masbate ang Elavil bus (EVP-903).
Agad binawian ng buhay sa insidente ang konduktor ng Elavil bus na si Orlando Olit. Habang hindi umabot nang buhay sa Mother Seton Hospital ang driver na si Elmer Bon at ang kanyang pasahero na si Marvin Ablay. Hindi rin nakaligtas ang driver ng Antonina bus na si Christopher Tripulco.