Monday , December 23 2024

Sumirit na presyo ng bigas isinisi sa polisiya (Pinakamataas sa kasaysayan)

021714_FRONT
NAITALA sa buwan ng Pebrero ang pinakamataas na presyo ng bigas sa kasaysayan ng bansa ayon sa pinakabagong datos mula sa Bureau of Agricultural Statistics (BAS).

Nitong Pebrero 4, ayon sa ahensya, pumalo na sa P39.94 kada kilo ang presyong tingi o retail price ng well-milled rice. Mas mataas ito ng 13.33 porsyento kaysa presyo nang lumipas na taon.

Samantala, ang retail price naman ng regular milled rice ay umabot na ng P36.73 kada kilo, talang pag-akyat ng 14.64 porsyento kumpara sa parehong buwan ng 2013.

Ang mga nasabing pigura ay pinakamataas na sa kasaysayan ng bansa, mas mataas nang higit P10 sa presyong P29.38 kada kilo na naitala noong 2008 sa panahon ng malawakang krisis sa bigas.

Pinangambahan naman ng dalawang dating pinuno ng National Food Authority (NFA) ang napipintong krisis sa bigas sa kabila ng patuloy na pagdinig ng Senado sa isyu umano ng ilegal na importasyon.

Ayon kina Tony Abad at Lito Banayo, maling patakaran ng gobyerno at hindi smuggling ang ugat ng pagtaas ng presyo at sanhi ng kagutuman sa bansa.

“Nagkakaroon ng smuggling dahil may pangangailangan ang nagugutom na populasyon na hindi matugunan dahil sa maling patakbo ng pamahalaan. Ang ilegal na importasyon ng bigas ay repleksyon lamang ng kakulangan sa suplay nito,” paliwanag ni Abad, isang abogado at eksperto sa international trade na nagsilbing NFA administrator mula taon 2000 hanggang 2002.

Sa lumipas na pagdinig sa Senado, iminungkahing NFA na lamang ang mag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa upang maiwasan umano ang ilegal na importasyong isinasagawa ng pribadong sektor. Mariin namang tinutulan ni Abad ang nasabing panukala.

“Sa kabaligtaran, ang patuloy na pagmonopolya ng gobyerno sa importasyon ng bigas ang pangunahing sanhi ng smuggling, katiwalian, at patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin,” paglalahad ng abogado.

Sa hiwalay na panayam kay Banayo sa telebisyon, ipinagtaka niya kung paano namonopolya ng NFA ang importasyon ng bigas nito lamang lumipas na taon.

“Noong nag-third year (ikatlong taon) itong Aquino administration, 2013, e nabasa ko na lang sa dyaryo, NFA na lang ang umi-import at walang private sector,” pahayag niya.

Ayon kasi sa 2010 Food Staples Self-sufficiency Program (FSSP) ng pamahalaan, bahagi sa estratehiya ang pagtugon sa kakulangan ng suplay at pagtaas ng presyo ng bigas ang pagkilala sa importasyon ng bigas bilang pangunahing responsibilidad ng pribadong sektor.

“Ang napagkasunduan doon, unti-unting ihihiwalay ng NFA ang sarili sa importasyon at pagtutuunan ng pansin ang pagbili ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka. Pribadong sektor dapat ang tumututok sa importasyon,” paliwanag ni Banayo na nagsilbing pinuno ng NFA sa unang dalawang taong ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Banayo, lubhang magastos para sa pamahalaan ang pag-aangkat ng bigas at ang bilyong ginagugol nito ay dapat na ilagak para sa pagpapasigla ng agrikultura nang sa gayo’y lumakas ang produksyon sa sektor at bumaba ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.

“Maliligo nang maliligo (tayo) n’yan sa utang. Tingin ko n’yan, kung puro government-to-government ang gagawin sa importasyon, aabutin tayo ng P190 bilyon (sa utang) sa pagtatapos ng termino ni Pnoy,” paglalahad ng dating NFA administrator.

Dagdag ni Banayo, dalawang ‘trabaho’ ng NFA ang dapat tinututukan: “una, siguruhing may bigas sa mga pamilihan; pangalawa, tiyaking abot-kaya ang presyo nito.”

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *