Monday , December 23 2024

Ang tampururot ni Erap kay Binay

00 Bulabugin JSY
HINDI natin alam kung gimik ito o totoo.

Pero kung totoo ito, masasabi nating umiral na naman ang pagiging ‘SPOILED BRAT’ ni ERAP.

‘Yun bang tipong kapag hindi nasunod ang gusto niya ‘e biglang aayaw o gagalitin ‘yung taong tumututol.

At tuwina, ‘yang pagiging ‘SPOILED BRAT’ niya ang naglalagay sa kanya sa indulto.

Huwag natin kalimutan na dahil sa ‘jueteng’ kaya nakaaway niya ang isang dating kaibigan kasunod nito ay nag-snowball ang isyu hanggang umakyat sa impeachment case laban sa kanya.

‘Yung hindi siya napagbigyan ni Manila Mayor Alfredo Lim sa kontrata sa basura kaya nga nilabanan niya nakaraang eleksiyon. At sabi ay gumastos siya ng kulang isang bilyon campaign fund pero napaka-marginal ng nakuha niyang lamang at mayroon pa ngang disqualification case sa Supreme Court. ‘Yan hindi ba indikasyon ‘yan ng pagiging spoiled brat?

Ngayon nagbabanta ang paghihiwalay nila ng isa pang kaibigan dahil hindi pinaboran ng Bise Presidente ang proyektong pagsasamahan ng City of Manila Council at SM, para sa pagde-develop umano ng makasaysayang Central Market.

Inamin mismo ni Erap na tumayo siya at iniwan ang meeting.

“Tumayo ako. Iniwan ko sila sa meeting,” ani Estrada sa isang interview sa isang Filipino-Chinese gathering sa Century Park Hotel nitong Martes ng gabi.

Gusto raw kasi ni Erap na pumasok ang Maynila sa public-private partnership sa SM Development Corp.

Sa nasabing PPP, itatayo umano ng SM ang Central Market sa 3-level structure na may grocery sa ground level at roof decking parking.

“Hulog ng langit ba ‘yung SM, nag-offer na they’re willing PPP (public-private partnership). They will spend for all the cost of the market. Kami walang gastos. ‘Yung isang floor lang gagamitin nila, the rest sa amin na. Malaki na income namin, wala pa kaming nagastos,” ani Estrada.

“Itutuloy ko ‘yan kahit magkatampohan man kami,” diin ni Estrada.

Pero sabi ng Home Guaranty Corp. (HGC), walang karapatan ang Maynila sa nasabing propriedad.

Ang HGC ay isang ahensiya sa ilalim ng Housing and Urban Development Council (HUDCC) na pinamumunuan  ni Binay.

Ito ang naggagarantiya sa utang at pagpopondo sa mga housing projects.

Pinaalalahanan ni Binay si Estrada na ang ano mang aksyon na kinapapalooban ng Old Bilid Compound – isang malawak na lupaing kinabibilangan ng Central market property ay kailangan i-review ng Department of Finance (DoF) at kailangan dumaan sa public bidding.

Kailangan din umanong iharap ang masterplan at aprubahan kaugnay ng nasabing propriedad.

Ayon kay Binay, ang nangyari sa kanila ni Erap ay tampohan lamang.

“Tampohan lang. Sa pamilya nagkakatampohan. Nagkakatampohan ang magkakapatid, nagtatampohan ‘yung magulang at anak. Ito, tampohang magkaibigan ito,” ani Binay.

Halos dalawang linggo na umanong hindi nag-uusap ang dalawa pero sabi nga ni Binay pinahahalagahan niya ang kanilang pagkakaibigan.

“Kinuha niya akong vice-president. Malayo na, e. Matagal na ang aming pinagsamahan. ‘Yung mga bagay bagay na nangyari kamakailan, hindi naman magiging dahilan ‘yun para magkahiwalay ‘yung pagkakaibigan,” diin ni Binay.

Kung mahaba na ang pinagsamahan, mahaba na rin ang prosesong pinagdaanan ng Old Bilibid Prison kung bakit napunta sa pangangalaga ng HGC ang nasabing propriedad ng gobyenro.

Ang masasabi lang natin, hindi makukuha sa walk-out para maayos ang ano mang usapin lalo na kung gagamitan ng pananakot o emotional blackmail.

Kailan kaya matututunan ni Erap na ang pakikipagkaibigan at pamamahala sa pag-aari ng gobyerno ay magkaibang bagay?!

Abangan natin kung hanggang saan aabot ang TAMPURURUTAN nina Binay at Erap.

Kung naninidigan si Binay sa kanyang posisyon bilang HUDCC chief, bilib tayo sa kanya.

Pero kung lalambot siya sa kanyang posisyon, manghihinayang tayo sa kanya.

Kayo po, ano ang palagay ninyo sa isyung ito?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *