IKINASAL sa mass wedding kahapon kasabay ng pagdiriwang ng Valentine’s Day, ang 12 pares sa Camp Crame at nagsilbing kanilang ninong ang ilang matataas na opisyal ng PNP kabilang si PNP chief, Director General Alan Purisima. (RAMON ESTABAYA)
Mas maraming mga Filipino ang tutol sa “May-December” affair at same-sex relationship, batay sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Tinanong ng SWS ang 1,550 respondent mula Disyembre 11-16, 64% sa kanila ang nagsabing hindi sila makikipagrelasyons sa isang indibidwal na labis ang agwat ng edad sa kanila.
Nasa 23% lang ang nagsabing may posibilidad na pasukin nila ang “May-December” affair habang nasa 13% ang nagsabing ayos lang sa kanila.
Mas maraming kalalakihan ang payag sa May-December affair at mayorya ng mga respondent ang ayaw sa same-sex relationship.
Nasa 97% ng mga kalalakihan sa Metro Manila ang nagsabing kailanman ay hindi nila papasukin ang pakikipag-relasyon sa kaparehong kasarian, 96% sa buong Luzon, 93% sa Mindanao at 91% sa Visayas.
Hindi nalalayo rito ang pigura para sa mga kababaihan na 98% ang nagsabing hindi sila makikipagrelasyon sa kapwa nila babae.