Monday , December 23 2024

Pinas tambakan ng basura

ITO ang malungkot na balita na tila muling ginagawang dumping ground ang Pilipinas ng mga toxic waste mula sa ilang ospital ng ibang bansa sa pamamagitan ng customs.

Marahil misdeclared ang mga basura tulad ng ginagawa sa smuggled na bigas, ibang agri-products, steels, mga saksakyang mamahalin, at ultimong asukal.

What else is new? Halos lahat na lang imported items pati na ang kung hindi pinepeke, ginagamitan ng ibang trader, at mini-misdeclare at inaa-undervalue kaya naman walang makuhang matino na revenue ang B0C.

Buti naman at  may mga pagbabagong ginagawa ang bagong pamunuan ng B0C sa pangunguna ni Commissioner John Philip Sevilla at kanyang mga competent and reliable deputies.

Lumalabas na iyong may 100 container vans ng mga toxic material na natagpuan sa ilang  bodega sa Parañaque ay dumating sa bansa noon pang 2013. Kaya lang hindi maidispatsa ng mga sindikato dahil sa biglaang pagbabago ng liderato sa Bureau na ikinawala tuloy ng nagbitiw na si Commissioner Biazon.

May ilang taon na ang nakalilipas nang ang MICP sa Tondo ay may nasabat na 150 ontainer ng basura mula sa ilang ospital sa Japan, kasama na ang Tokyo. Ito ay ibinalik sa Japan na gastos ng consignee. Pero ang malaking tanong: ito naman kaya ay totoong ibinalik sa Japan o itinapon lang sa ating karagatan?

Dahil ang nasabing toxic wastes ay bayad na ng kung sino man ang nagpa-ship out mula Japan sa halaga raw na P50,000 bawat container. Pero baka sa nasabat sa Parañaque na bodega ng hospital wastes mula raw sa Canada hindi lang marahil P50,000 kada container dahil sa inflation.

Iniutos na ang ship-out pabalik sa Canada. Paano ngayon kung ang consignee mula sa Canada ay tumanggi na sila ang may responsibilidad? Kung mapatunayan kasi, ang nagpa-ship out at tumanggap sa Pinas ang dapat managot at maparusahan. Isipin na lang lason ito at saan naman sana itatambak? Saan pa kung hindi sa dagat sa atin. O kaya naman ibabayad ang bawat container sa mga mga operator ng landfill sa bandang Rizal o Bulacan. Pero ang mahal ng gastos dito. Kaya, marahil itatambak na lang sa dagat. Patay at posibleng malason ang marine life sa atin. Dapat tutukan itong mabuti nina Commissioner Sevilla at ng kanilang mga deputy. Hindi biro ang bagay na ito. May mga sindikato na sangkot dito. Dapat mabulgar sila, posible na ang mga utak ay tagaloob ng B0C.

Arnold Atadero

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *