HINDI mapipigilan ng Malacañang sa nakaambang P5 dagdag presyo kada kilogram ng liquefied petrolium gas (LPG).
Kasunod ito ng pahayag ng refillers na mapipilitan silang magtaas ng presyo sakaling magsara ang refilling station ng Shell sa Batangas.
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, mayroong prosesong sinusunod sa paggalaw ng presyo ng LPG at hindi maaaring manghimasok ang gobyerno dahil deregulated ang industriya.
Ngunit ayon kay Coloma, ang mahalaga ay matiyak ng gobyerno na hindi kakapusin sa supply ng LPG kaya pakikilusin ang Department of Energy (DoE) para makagawa ng karampatang aksyon at para hindi magsakripisyo ang LPG consumers. (HNT)