SA BANSA, ang pinakainaabusong substance ay ang synthetic na SHABU at ang dahon ng Marijuana.
Kaya nang lumutang ang mga balita na ang marijuana ay iminumungkahing maging legal sa ating bansa, mayroong mga natuwa at mayroon din mga ‘kinilabutan.’
Tayo ay tutol sa paglelegalisa ng marijuana.
Dito pa naman sa bansa natin na napakadaling gumawa ng mga pekeng dokumento.
Aba ‘e magpapagawa lang sa Recto ng restricted prescription pad ‘yan mga ‘LULONG’ sa ‘damo’ ‘e lusot na sila.
‘Yung bawal nga ‘e nakalulusot pa, ‘e di lalo na kapag naging legal ‘yang Marijuana.
Kung sinasabi nilang sa ibang bansa ay subok na bilang medisina laban sa maraming klase ng fatal disease ang marijuana, pwede naman i-facilitate ang pagpunta ng mga pasyente doon lalo na ‘yung mayroong mga pera.
Huwag po rito sa bansa natin na t’yak na magtutulak para maging legal ang iba pang illegal or regulated substance na inaabuso ng mga taong walang magawa sa buhay.
Please lang po sa ating mga mambabatas, mag-isip naman kayo ng mas kapaki-pakinabang na batas gaya ng pagbabawal na isapribado ang mga public hospital sa bansa.
And to quote: “They said weed wouldn’t lead to harder drugs …THEY LIED!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com