KAKAIBA rin talaga ang EPAL ni LPGMA party-list representative Arnel Ty.
Mula nang maisabatas ang Clean Air Act noong panahon ni PGMA (Gloria Arroyo), lumapad na ang papel ni Arnel Ty.
Mula sa pagiging dealer ng LPG, ay naging bongga ang karera ni Ty at ngayon nga ay naging party-list congressman pa.
Pero ang ipinagtataka natin, WALA man lang tayong nabasang isinusulong na batas ang LPGMA para suportahan ang consumers.
Mula nang magkaroon ng LPGMA, mula sa P400 plus na presyo ng 11 kgs LPG ay sumirit na ito ngayon sa mahigit P800.
Habang ang LPG fuel naman para sasakyan (taxi), mula sa P17 ay naging mahigit P3o kada litro na ngayon.
Gusto lang din natin klaruhin, ang papel ba ng LPGMA ay tagapagbalita ng pagtaas ng presyo ng LPG?
‘E para kanino ba talaga ang LPGMA party-list? Sa marginalized sector ba talaga o sa mga negosyante ng LPG?!
Ano sa palagay mo, Rep. Arnel Ty?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com