Monday , December 23 2024

Ex-CamSur Gov ipinaaaresto ng Sandiganbayan

KINOMPIRMA ng Sandiganbayan 5th Division kahapon ang utos na pag-aresto kay dating Camarines Sur Governor Luis Raymond “LRay” Villafuerte kaugnay sa three counts ng graft bunsod ng kwestiyonableng pagbili ng P20 milyong halaga ng produktong petrolyo.

Ayon sa korte, ang warrant ay ipinalabas laban kay Villafuerte noong Pebrero 6. Gayonman, kinompirma rin ng korte na nakapaglagak na si Villafuerte ng P90,000 pi-yansa noong Pebrero 7.

Ang kaso na nagmula sa Ombudsman ay kaugnay sa sinasabing pagbili ni Villafurete ng produktong petrolyo nang walang kaukulang public bidding.

Si Villafuerte ay kinasuhan kasama si Jeffrey Lo, proprietor ng Naga Fuel Express Zone, binayaran para sa nasabing produktong petroyo.

Bumili si Villafuerte ng produktong petrolyo sa tatlong “tranches” noong 2010,  at kabilang ang pagpapalabas  ng  P5  milyon noong Enero; P5 million sa pagitan ng Enero 7 at Enero 23, at P10 milyon noong Abril 7.

Sa kabilang dako, iniha-yag ni Villafuerte na kompi-yansa siyang madidismis ang kaso.

“I feel [that] in the end the case will be dismissed, because no money was lost and it’s all accounted for,” aniya, at idinagdag na ang produktong petrolyo ay ka-dalasang hindi idinaraan sa bidding dahil mayroong standard prices.

“Most if not all government agencies, whether national or local, do not bid out gasoline, because there’s standard pricing,” aniya.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *