Monday , November 25 2024

2 opisyal 3 kawani ng Customs ‘nangikil’

DALAWANG opisyal at tatlong empleyado ng Bureau of Customs (BoC) ang inireklamo ng pangongotong ng isang negosyanteng nanalong highest bidder sa subastang ginanap nitong Enero 17 sa Port of Manila.

Sa reklamo ni Aurelio Lobertas ng Sto. Domingo, Quezon City, siya ay idineklarang  “highest bidder” sa isinagawang auction ng 50 units na junk vehicles sa halagang P1,676,713 nitong Enero 17.

Ngunit ang pagpapalabas ng nasabing mga sasakyan ay pinigil ng kanyang mga inireklamong sina Major Ramon Policarpio, Lt. Elvis Caluya, Samuel Labay, Jefferson Gan at Mauro Morada bagama’t mayroon na siyang gate pass.

Ang nasabing gate pass, may numerong 00122717 ay inisyu ng BoC-POM Auction and Cargo Disposal Division noong Enero 21.

Ang pangongotong kina Lobertas ay kinompirma sa reklamong ipinadala sa BoC Commissioner’s Office ni Apolonio Librado, ng Blk. 1, Lot 11, Phase 1, Kanlaon St., Country Homes Alabang, Putatan, Muntinlupa City.

Ayon kay Lobertas, nagsimula ang panggigipit at pangongotong nitong Enero 28, nang ilalabas nila sa PoM Gate 3  ang tatlong sasakyan. Hinarang aniya sila ng mga Customs Police at sinabing pumunta muna kay Major Policarpio.

Agad silang nagpunta ngunit sinabi ni Policarpio na hindi pwedeng i-release ang mga sasakyan dahil hindi pa dumaraan sa kanya ang gate pass. Dahil dala nila ang gate pass, ipinakita nila ito kay Policarpio ngunit sinabing bumalik na lamang bukas para matatakan niya ngunit dapat magbigay ng budget sa opisina. Kahit na nakiusap sila ay hindi sila pinayagan kaya ibinalik nila ang mga sasakyan sa parking area.

Kinabukasan, Enero 29, dakong 5 p.m. nakiusap sila kay Joseph Quia-oit ng Auction and Cargo Disposal Division, na ibigay kay Policarpio ang P3,000  dahil ayaw niyang makipag-usap at baka malaki pa ang hingiin sa kanya. Bagama’t nagtanong kung bakit P3,000 lang ang ipinadala ay pumayag si Policarpio na ma-release ang mga sasakyan.

Dakong hapon, habang inaayos ang mga sasakyan na hihilahin sa parking area, biglang dumating ang Customs Police na si Samuel Labay at pinatitigil sila dahil hindi pa raw dumaraan sa kanya. “Para matuloy ‘yan ay bigyan mo ako ng budget dito,” pahayag  ni Labay. Idiniin ni Lobertas na may “gate pass” na siya at pinayagan na ni Major Policarpio ang paglabas ng mga sasakyan. Ngunit sinabi ni Labay na wala siyang pakialam dahil siya ang commander doon at igiiit na bigyan siya ng P4,000. Dahil ayaw nang maabala, napilitan si Lobertas ibigay ang nasabing halaga.

Kinabukasan, Enero 30, dakong 9 a.m. pinaki-usapan niya si Mr. Quiaoit na patatakan ang gate pass sa Customs Police sa gate para makalabas na ang mga sasakyan. Pinadaan muna siya sa opisina ni Capt. Gonzales para sa clearance at hinarap naman siya ni Mr. Frank Clemente.  Nang makita na malinis ang papel at wala nang problema ay sinabing pwede nang ma-release ngunit dapat idaan muna ang papel kay Atty. Zurbito.  Ganoon din ang sinabi ni Atty. Zurbito na wala nang problema at pwede nang ilabas  kaya nailabas ang tatlong sasakyan dakong tanghali.

Dakong 3 p.m. habang nasa parking area si Lobertas at nag-aayos ng iba pang hihilahing sasakyan, dumating ang customs Police na si Morada na sinabing siya ang panghapong commander kaya  dapat siyang bigyan ng budget.  Nang igiit niya na nagbigay na kay Major Policarpio at kay Labay, nagbanta si Morada na babasagin ang salamin ng mga sasakyan. Bagama’t labag sa kanyang kalooban ay nagbigay si Lobertas ng P1,000 kay Morada.

Dakong 5 p.m. nang palabas na sila hila ang tatlong sasakyan, hinarang sila uli sa gate ni Jefferson Gan at lima pa niyang kasama na Customs Police rin.  Tinanong aniya kung nakailan na siyang release dahil per unit ang singil nila. Nairita na si Lobertas kaya sinagot niya ng, “Bakit, ano bang problema sa mga nabili ko. Bakit ninyo hinaharang e nabili ko na ‘yan at may gate pass yan?”

“Wala akong pakialam basta per unit dito,” diin ni Gan.  Iginiit ni Lobertas na may order na ang Collector at si Atty Belen, may gate pass na, bakit hino-hold pa.  Ang sagot naman ni Gan ay wala siyang pakialam kahit order pa ni Commissioner.

Bunsod nito, nagbanta si Lobertas na magrereklamo na lang siya kay Commissioner at ire-refund na lang ang ibinayad niya.  Nagpilit pa rin aniya si Morada sa paghingi ng pera kaya inabutan niya ng P1,800 kaya pinayagan na silang makalabas.

Noong Pebrereo 30, pumunta si Lobertas kay Collector Mendoza at sinabing lagi silang hinaharang sa gate kaya nais niyang i-refund na lang ang ibinayad sa auction. Sinabi naman aniya ni Collector Mendoza na tatawagan niya si Director Willie Tolentino na may sakop sa Customs Police.

Pebrero 4, dakong 9 p.m., may ilalabas na naman silang tatlong sasakyan ngunit pagdating sa gate ay hinarang uli sila ng Customs Police na naka-duty at sinabing makipag-usap muna kay Elvis Caluya bago i-release.

Bunsod nito, pinakiusapan ni Lobertas si Mr. Quiaoit na siya ang makipag-usap kay Caluya.  Sinabi ni Mr. Quiaoit na nakausap niya si Mr. Caluya at sinabing daan muna sila at huwag kalimutan ang budet.

Habang nasa gate ang mga sasakyan, nagpasya nang magtungo si Lobertas kay Gen. Tolentino sa ESS at inireklamo ang panggigipit sa kanya ng mga Customs Police. Nangako aniya si Tolentino na tutulungan sa problema niya at makalipas ang ilang oras ay nakalabas ang mga sasakyan.

Gayonman, itinuloy ni Lobertas ang kanyang banta na ireklamo ang nasabing mga pumerhuwisyo sa kanyang lehitimong hanapbuhay.

Sinikap ng HATAW na kunin ang panig ng mga inireklamo ngunit hindi sila nahagilap.

(HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *