Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P300-M shabu nasamsam sa condo

Tinatayang nasa 75 kilo shabu  na nagkakahalaga ng mahigit P300 milyon, ang nasamsam sa buy-bust operation sa isang condominium unit sa Sentosia, Macapagal Blvd.,  Barangay Tambo, Parañaque City.

Isinagawa ang ope-rasyon, Miyerkoles ng umaga, ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police-Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay Police Chief Inspector Roque Merdeguia, legal officer ng AIDSOTF, natagpuan sa ikatlong palapag ng gusali ang dalawang maleta sa loob ng cabinet na naglalaman ng shabu at isang sako na naglalaman ng 75 kilo ng shabu.

Noong Enero 24,  isang sasakyan ang hinarang ng AIDSOFT sa bahagi ng Marina Bay, at nasamsam ang P1.36 bil-yong halaga ng shabu na dadalhin  sa Cavite.

Target sa operasyon ang 8 suspek na sina, Marvin Tan, alyas “Tiu”; Frederick Tan, Jhonson Co, alyas “Johnson Chua”, Jacky Sia Huang, alyas “Tsoi”, Richard Catungal, Fernando Alegre Dilima, James Garcia, alyas “Ming-ming” at isang alyas “Emmy.”

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …