Monday , December 23 2024

Mat Ranillo III ‘major link’ sa Pork Barrel Scam

BAGO naganap ang mga transaksyon sa ilang senador, sinasabing naging “middleman” sa mga kongresista ang aktor na si Mat Ranillo III para sa negosyanteng si Janet Lim-Napoles, ang sinasabing utak sa multi-billion peso PDAF scandal.

Ayon kay private prosecution lawyer Levito Baligod, nagkaroon ng network si Napoles sa House of Representatives matapos ipakilala ni Ranillo.

Bukod dito, sinasabing naging linked din si Ranillo sa pagitan ni Napoles at former presidential social secretary Ruby Tuason na siyang nagpakilala sa negosyante sa mga senador.

Napag-alaman, sa kanyang affidavit sa National Bureau of Investigation, pinangalanan ni Tuason si Ranillo na siyang naghatid ng halos P12-million “kickbacks” sa isang bahay sa No. 1564 Mahogany Street, Dasmarinas Village sa Makati City.

Sa nasabing address aniya nakatira ang isang Justa Tantoco na kilalang miyembro ng MARE Foundation ni former senator Loi Estrada.

Napag-alaman na mayroong nakabinbing kasong isinampa ang kompanyang JLN Corporation na pagmamay-ari ni Napoles laban kay Ranillo at asawa niyang si Erlinda Tupaz Ranillo, sa Makati Regional Trial Court, dahil sa hindi nila pagbabayad ng sasakyang nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso.

Batay sa alegasyon ng JLN, hindi tinupad ng aktor ang pangako niyang magpasok ng transaksyon at proyekto sa kompanya, at ibabawas sana sa komisyon ang halaga ng nasabing sasakyan.

Base na rin sa court records, iprenesinta ni Ranillo ang ilang payment vouchers ng JLN na nakalagay ang mga pangalan nina Jinggoy at Loi.

Sa JLN Corporation voucher No. 4289, a may petsang Agosto 11, 2005, nakasulat ang “payment for 50% of 30M Rebate charge from Senator Jinggoy” na sinasabing nagkakahalaga ng P1.14 million.

Sa JLN Corporation voucher No. 5787, may petsang Enero 13, 2005, ang nakasulat ay “payment for 5% Commission charge to Sen. Loi Estrada PDAF-DA 10M”, na nagkakahalaga ng P475,000.

Ang veteran actor ay ama ng starlet na si Krista Ranillo.              (HNT)

‘BOMBA’ NI TUASON TUTUTUKAN NG PALASYO

TUTUTUKAN ng Palasyo ang mga “bombang” pasasabugin ng socialite na si Ruby Tuason sa pagdinig ngayon ng Senado kaugnay sa P10-B pork barrel scam.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., gaya ng publiko ay nais ring marinig ng Malacañang ang katotohanan kaugnay sa maling paggamit ng pondo ng bayan.

Ang katotohanan aniya ang magbibigay ng katarungan sa usaping ito.

Kaugnay nito, ipinauubaya na lamang ng Palasyo sa Department of Justice (DoJ) ang pagkilos hinggil sa posibilidad na maging testigo rin tulad ni Tuason si Atty. Gigi Reyes, ang dating chief of staff ni Sen. Juan Ponce-Enrile, na nagpunta sa Amerika nang masangkot sa P10-B pork barrel scam noong Agosto 2013.

Hindi aniya sasawayin ng Malacañang si Vice President Jejomar Binay sa pagtatanggol sa kanyang mga alyadong akusado sa isyu basta huwag lang makokompromiso ang layunin ng pamahalaan na papanagutin ang nagwaldas sa kaban ng bayan.

Nag-usap na aniya sina Binay at Justice Secretary Leila de Lima matapos ang cabinet meeting kamakalawa at wala naman siyang naramdamang nagkaroon ng tensyon sa dalawa.

Matatandaang tinawag na “dud” ni Binay ang testimonya ni Tuason at hindi raw si De lima ang magpapasya kung magiging state witness ang socialite kundi ang hukuman.

(ROSE NOVENARIO)

BAIL NI NAPOLES  IBINASURANG PINAL

PINAL nang ibinasura ng Makati City Regional Trial Court (RTC) ang apela ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles na payagan siyang makapagpyansa sa kasong serious illegal detention na isinampa ng tinaguriang whistleblower sa kontrobersyal na P10-billion pork barrel scandal na si Benhur Luy.

Ito ang impormasyon na kinompirma ni Justice Secretary Leila de Lima matapos ang paghain ni Napoles ng motion for reconsideration.

“Just got information that RTC-Makati already denied the motion for reconsideration of Napoles on the denial of her bail application in the serious illegal detention case,” ani De Lima.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *