“WHAT went wrong?”
‘Yan daw ang tanong ni Pangulong Benigno Aquino III dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa.
Pero hindi po sapat ang tanong na ‘yan. Dapat mayroong magsabi kay PNoy na, “There’s something wrong talaga …”
Ano po ang mga nakikita nating wrong? Wala na pong pumapasok na mga bagong investors sa ating bansa.
Walang bagong negosyong nagbubukas.
Sinong magbubukas ‘e lahat ng negosyo kontrolado ng malalaking ‘MALL’ sa bansa.
Ang ‘CALL CENTER’ industry ay unti-unti na rin nagpu-PULLOUT sa Philippine my Philippines dahil sa napakataas na overhead sa KORYENTE.
Problema po ‘yan sa private sector.
‘E sa public sector naman, walang hiring sa gobyerno. At sa Marso ay ipatutupad na ang rationalization plan sa Department of Education (DepEd). ‘Yun ibang ahensiya ng gobyerno ay nagsimula nang i-implement ang rationalization.
Marami silang ireretiro pero magre-REHIRE ba sila?!
O muling ibubuhos ni DepEd Secretary Armin Luistro ang pondo ng gobyerno sa mga private schools?!
Ilan ang gumagradweyt taon-taon sa iba’t ibang unibersidad/kolehiyo sa buong bansa pero walang garantiya na makapapasok ng trabaho?!
‘Yung mga gustong umalis ng bansa at maghanap ng trabaho sa ibang bansa, hinaharang at pinipigilan naman sa Airport.
Ngayon, magtataka pa ba tayo kung mas marami ang mga nakatambay kaysa mayroong trabaho?!
Ano sa palagay ninyo, Pangulong NOYNOY?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com