PATAY ang isang lalaking nag-amok nang ba-rilin ng isang pulis matapos saksakin ang kanyang ina, isang kaanak at barangay tanod sa Sta. Cruz, Maynila, kamaka-lwa ng gabi.
Namatay din ang kaanak ng amok na kinilalang si Madlyn Kane Lee, 31, residente sa 2137 M. Hizon St., ng nasabing lugar.
Dead on the spot ang amok na si Mark Victor Yanguas, 26, binata, ng Blk.14, Lot 11, Fern St, Evergreen County, Za-pote, Biñan, Laguna matapos barilin ng nag-respondeng kapitbahay na pulis na si PO1 Christian Greg Reyes, 30, nakatalaga sa Kamuning Police Station (PS10) Quezon City.
Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang mga sugatang biktima na sina Maria Josie Yanguas, 51, ina ng amok; at isang Edgardo Alcantara, 45, tanod ng Brgy. 345, Zone 45 , Dist. III, residente sa Yuseco St.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Richard Escarlan, dakong 9:30 kamakalawa ng gabi, takot na takot na nagtungo ang amok na si Yanguas, sa bahay ng kanyang kaanak na si Lee, dahil may humahabol umano sa kanyang grupo ng armadong kalalakihan.
Bunsod nito, tinawagan ni Lee ang ina ni Yanguas na si Maria Josie, para pauwiin ang lalaki, ngunit biglang nagtatakbo sa kusina saka kumuha ng patalim.
Naghuhugas si Lee nang biglang daluhungin ng saksak sa likod ni Yanguas.
Nakatakbo ang babae patungong kwarto pero nang muli siyang makorner ni Yanguas ay muli siyang pinagsasaksak.
Kasunod nito pinagbalingan din ng amok ang kanyang ina at sinaksak rin sa likod.
Dahil sa nagaganap na komosyon sa loob ng bahay, napansin ng kapitbahay na pulis na si Reyes ang kaguluhan kaya agad siyang nagres-ponde kasama ang tanod na si Alcantara.
Ngunit nang makita sila ng amok na papa-lapit, nagkulong sa kuwarto habang hawak ang patalim sa isang kamay at hawak sa kabila ang dos por dos na kahoy.
Pinilit buksan ni Reyes ang pinto ng kuwarto pero agad silang inundayan ng pamalo at panaksak ng suspek na ikinasugat ni Alcantara.
Pinutukan ni Reyes si Yanguas na agad tinamaan sa hita.
Kahit may tama ng bala sa hita, nanlaban pa rin si Yanguas kaya muli siyang binaril sa dibdib ni Reyes na agad niyang ikinamatay. (L. BASILIO)