Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Brock balik-PBA (Lalaro sa Global Port)

BABALIK sa PBA si Evan Brock bilang import ng Globalport para sa Commissioner’s Cup na magsisimula sa unang linggo ng Marso.

Ito’y kinompirma ng sikat na import agent na si Sheryl Reyes na agent din ng ilan pang mga imports na darating sa bansa para sa torneo.

Si Brock ay dating import ng Barako Bull sa Commissioner’s Cup noong isang taon bago siya pinalitan ni DJ Mbenga.

Dating manlalaro si Brock ng Atlanta Hawks sa NBA bago siya sumabak sa ASEAN Basketball League bilang import ng Indonesia Warriors.

Si Reyes ay agent din ng iba pang mga imports para sa Commissioner’s Cup tulad nina Robert Dozier ng Alaska, Richard Howell ng Talk ‘n Text at Herve Lamizana ng Air21.

Si Lamizana ay dating national player ng Ivory Coast na sumabak sa FIBA World Cup noong 2010 sa Istanbul, Turkey.

Si Howell ay dating manlalaro ng Idaho Stampede ng NBA D League samantalang si Dozier ay Best Import noong isang taon nang nagkampeon ang Aces.

Naunang dumating sa bansa ang import ng San Mig Super Coffee na si James Mays.

Si Cone mismo ang kumuha kay Mays habang naglaro ang huli sa NBA D League.

Si Mays ang pumalit kay Denzel Bowles na naglalaro ngayon sa Tsina.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …