Friday , November 15 2024

Kelot utas sa kandungan ng magsyota (Hinabol ng tandem sa driver’s seat)

021114_FRONT
SA kandungan ng magkasintahang pasahero  sa tabi ng driver’s seat  binaril at napatay ng hindi nakilalang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo, ang isang  45-anyos  lalaki, sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Supt. Frumencio Bernal,  station commander ng MPD Station 7 headquarters, kinilala ang biktimang si Dexter Dacanay, ng 1301 Interior F. Rose St., T. Bugallon Tondo, at ang sugatang si Adonis Pueblos, 25, ng 205 E. Rodriguez Sr., Damayang Lagi, Quezon City.

Sa salaysay ni Pueblos, kasama ang kanyang girlfriend lulan sila ng pampasaherong jeep  na biyaheng Recto at Gasak, pero pagdating sa kanto ng Cavite at T. Mapua Sts., biglang tumalon sa kanilang kinauupuan sa harapan ng driver ang biktima na hinahabol  ng isang lalaking nakasuot ng helmet na sinusundan ng isa pang nakamotorsiklo.

Nang nakaupo na sa kanilang harapan ang biktima ay agad pinagbabaril ng suspek. Tinamaan ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan na namatay noon  din  habang si Pueblos ay tinamaan sa kanang braso.

Agad tumakas ang mga suspek sa hindi natukoy na direksyon dala ang  hindi nabatid na kalibre ng baril na ginamit sa krimen.

Isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang  biktima pero binawian din ng buhay.

ni leonard basilio

About hataw tabloid

Check Also

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *