Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pulis pinana, kagawad sinaksak, amok na lolo utas sa parak

PATAY ang 59-anyos lolo nang manlaban sa mga pulis na aaresto sa kanya makaraang magwala at saksakin ang kagawad at panain ang isang pulis sa Brgy. San Martin 1, San Jose Del Monte City.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang suspek na si Eddie Martinez, residente ng Purok 3, Brgy. San Martin 1 sa naturang lungsod. Nakaratay sa ospital ang mga biktimang si Kagawad Antonio Francisco, Jr., may saksak sa hita, at PO1 Ed Cacayurin, ng San Jose Del Monte City PNP, tinamaan ng pana sa dibdib.

Sa ulat ni Supt. Joel Estaris, hepe ng pulisya sa nasabing lungsod, 4 p.m. kamakalawa nang magresponde ang kanyang mga tauhan kaugnay sa pagwawala ng suspek.

Ngunit sinalubong sila ng pana na agad tinamaan si Cacayurin habang si Francisco ay sinaksak ng suspek.

Sinikap nilang sawatain ang suspek ngunit lalong naging bayolente kaya napilitan ang mga pulis na siya ay barilin na kanyang ikinamatay

(DAISY MEDINA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …