Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

5 patay, 45 sugatan sa jeep na tumagilid

BAGUIO CITY — Patay ang lima katao habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang 45 sugatang pasahero matapos tumagilid ang pampasaherong jeep sa Sitio Galitungan, Nalbuan, Licuan-Baay, Abra.

Kinilala ang mga namatay na sina Melba Millare, Solomen Colangan, Veronica Tucio, Noreen Tugadi at Dimple Tugadi.

Ginagamot sa Abra Provincial Hospital ang 28 biktima, 9 sa Abra Christian Hospital at 8 sa Seares Memorial Hospital.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, inihayag ni Senior Ins. Rosal Henaro, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Victor Pacio habang pababa sa sharp curve ng nasabing daan kaya tumagilid ang sasakyan bago nahulog sa isang metrong lalim na kanal.

Napag-alaman na karamihan sa mga nasugatang biktima ay naka-upo sa bubungan ng sasakyan.

Sinasabing galing ang mga biktima sa isinagawang 4P’s meeting sa Sitio Baquero, Nalbuan, Licuan-Baay, Abra.

Nasa kustodiya ng Licuan-Baay Police Station ang driver habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …