ISINULONG ni Senadora Nancy Binay ang 120 days maternity leave sa unwed, pregnant women sa bansa.
Ayon kay Binay, ang panukala ay bilang proteksyon ng mga kababaihang nagtatrabaho sa gobyerno.
Aniya, dapat kilalanin ng estado ang karapatan na ito ng nasabing mga kababaihan lalo na ang mga nabuntis nang walang ama.
Batay sa Senate Bill No. 2083 o “An Act Providing Maternity Leaves Benefits to Women Working in Government,” dapat bayaran ang kanilang arawang maternity benefits ng hanggang 100 porsyento ng kanilang daily salary para sa 120 days sa ilalim ng mga kondisyon nito.
Nakasaad din sa panukala na hindi dapat bababa sa tatlong buwan ang kontribusyon sa Government Service Insurance System (GSIS) sa loob ng 12 buwan sa panahon ng kanyang pagbubuntis. (CYNTHIA MARTIN)