Thursday , November 14 2024

4-anyos nene walang galos sa ‘lumipad’ na Florida bus

020914_FRONT
ITINUTURING milagro ang pagkakaligtas sa 4-anyos batang babae, kasama sa mga nakaligtas sa nahulog na Florida Bus sa aksidenteng nangyari sa Mt. Province na ikinamatay ng 15 katao kabilang ang komedyanteng si Tado o Arvin Jimenez, at 32 iba pa nasugatan.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kinilala ang survivor na si Amian Agustin, 4, walang galos sa katawan.

Hindi pa malaman ng mga awtoridad kung paano nakaligtas ang paslit sa malagim na trahedya.

Kung makikita ang bus na nahulog sa tinatayang may lalim na 150 metro bangin sa matarik na kabundukan sa Mt. Province, animo’y eroplanong bumagsak ang sasakyan na wala nang bubong at halos magkapira-piraso.

2 bangkay naiuwi na

LABI NI TADO 12 PA, NASA BONTOC PA

Dalawa sa 15 namatay sa nahulog na pampasaherong bus sa Bontoc, Mountain Province noong Biyernes, ang naiuwi na sa kanilang probinsya.

Nananatili sa Bontoc General Hospital ang labi ng iba pang namatay kasama ang komedyanteng si Arvin “Tado” Jimenez at dalawang dayuhan.

Pito ang nasa malalang kondisyon nasa Luis Hora Hospital sa Bauko, Mt. Province na sina, Sylvestre Dawey, Olivia Aglipay, Camille Osorio, Christian Cabarte, Agong Sikam, Abegail Sikam at Amian Sikam.

Inaasahang magpapadala ng chopper ang Northern Luzon Command (NOLCOM) Sabado ng umaga upang mailipat sa ospital sa Maynila ang ibang pasyente.

FLORIDA TRANS 30-ARAW SUSPENDIDO — LTFRB

Pinatawan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 30-araw na preventive suspension ang Florida Transport matapos maaksidente ang bus nito na ikinamatay ng 15 katao kasama ang komedyanteng si Arvin “Tado” Jimenez.

Naisilbi na ng LTFRB legal team kahapon ng umaga ang suspension order sa dalawang terminal ng Florida Transport.

Si Eugene Maribao, process server ng legal division ang nagsilbi ng kautusan sa pamunuan ng Florida Transport sa Earnshaw terminal sa Sampaloc, na tinanggap ng sekretaryang si Flora Caldito.

Naihain na rin sa Cubao terminal ng bus company ang kautusan dakong 10:30 ng umaga.

DUMAYB NA BUS ‘DI NAKAPANGALAN  SA FLORIDA BUS

Ilegal na nabili ng G.V. Florida Transport Inc., ang naaksidenteng bus sa Mountain Province nitong Biyernes na nagresulta sa pagkamatay ng 15 katao.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), nakapangalan ang bus sa isang “Mr. Que.”

Napag-alaman din nabili ng Florida Transport ang maliit na kompanya ni “Mr. Que” kasama ang bus na nahulog sa bangin pero, taliwas sa panuntunan ng LTFRB, hindi naiulat sa kanila ang transaksyon sa pagitan ng dalawang panig.

Ang plakang nakakabit sa naaksidenteng bus ay hindi ang orihinal na plaka nito.

Nasa 300 bus unit ang pag-aari ng Florida Trasport kabilang na ang mga subsidiary nito at mga division kasama ang pag-aari rin nilang Dagupan Bus Line, Ballesteros Bus at Dagupan Bus.

ni BETH JULIAN

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *