Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Racela, Uichico no comment sa paglipat

AYAW munang magsalita ang mga assistant coaches ng MVP Group na sina Joseph Uichico at Nash Racela sa plano umano ng kanilang among si Manny V.  Pangilinan na magkapalitan sila ng puwesto.

Ayon sa ulat, ililipat umano si Racela sa Meralco bilang assistant coach ni Ryan Gregorio samantalang si Uichico naman ay mapupunta sa Talk ‘n Text bilang assistant naman ni Norman Black.

Sina Uichico, Racela, Gregorio at Black ay mga assistant coaches ni Chot Reyes sa Gilas Pilipinas.

“As of now, wala pang final. Di ko alam, pero parang si Olsen naman,” wika ni Racela bilang pantukoy sa kanyang kapatid na lumipat mula Petron patungong San Mig Coffee bilang assistant coach ni Tim Cone. “Kung kailangan at kung saan makakatulong, siyempre, I’m just being a good soldier.”

Unang nagkasama sina Uichico at Black noong sila’y nasa coaching staff ng San Miguel Beer.

“Not that I know of, but you just go and talk to Ryan about that. He should know if there are any changes,” ani Uichico.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …