MARAMING Hong Kong nationals ang nagalit at pinulaan si Presidente Benigno Aquino III nang lumabas sa The New York Times ang paghahalimbawa niya sa sigalot natin sa China (hinggil sa teritoryal na hangganan sa karagatan) sa imperyalistang ambisyon ng rehimeng Nazi noon.
Maraming Chinese officials at netizens ang nag-react at nagsabing siya ay isang amateur at ignorante.
Bukod sa maritime row, inuupakan din si Noynoy ngayon dahil sa pagtanggi niyang humingi ng paumanahin sa mga kaanak ng biktima ng hostage crisis na ikinamatay ng maraming Hong Kong nationals.
At sa puntong ito, nakahanap ng kakampi si Pangulong Noynoy sa kolumnistang Hong Kong na si Alex Lo.
Sa pamagat ng artikulo ni Alex Lo na lumabas sa South China Morning Post (SCMP): “Benigno Aquino’s the only sane voice amid the madness,” sinabi ng kolumnista. ” … by promising not to retaliate against Hong Kong’s half-hearted and laughable sanctions against his country, he is behaving like the only adult in the room.”
Buti na lang daw at hindi nahawa si PNoy sa utak dagang si QC Cong. Winston Castelo na gumanti at bigyan ng leksiyon ang kanilang chief executive para matutong makipag-usap at umareglo.
Sabi ni Lo, bakit nga naman pasasamain ni Aquino ang diplomatic spat. Hindi ba’t ang dapat gawin ng isang matinong gobyerno ay palamigin ang isyung ito?
Kakaibang-kakaiba nga naman si PNoy kay Chief Executive Leung Chun-ying na pinopolitika pa ang insidente.
O sumusunod lang siya sa dikta ng China sa kanya?!
‘E sa kabila nga naman ng paghihigpit sa visa free access ng mga government officials e wala silang narinig kay PNoy.
Habang ang opportunistic Hong Kong politicians na sina Albert Chan Wai-yip and Ray Chan Chi-chuen, ay nananawagan na palawakin pa ang sanctions laban sa mga Pinoy, at ito umano ay suportado ng Beijing.
Pero ano ba dapat ang gawin ng gobyerno ng Hong Kong?
Dapat nilang tulungan ang mga survivor o ang pamilya ng survivor na makaigpaw sa trauma na kanilang dinanas.
Hindi ‘yung ipinipilit nilang humingi ng paumanhin sa isang pangyayaring kasalanan ng nasira ang ulong lespu.
Kung sa Washington o sa Beijing ay may pinatay na dayuhan ang isang buwang o terorista oobligahin rin ba natin na mag-public apology sila?
Hindi nga naman gagawin ni Barack Obama o Xi Jinping ang ipinipilit nilang paghingi ng paumanahin. ‘di po ba?
Tsk tsk tsk …
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com