Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erpat tigbak sa tarak ng adik na anak

“PAPA  mahal mo ba ako?”

Mga katagang sinambit ng 30-anyos anak sa kanyang sariling ama, bago pagsasaksakin hanggang mapatay sa harap ng kanyang ina kamakalawa ng hapon, sa Pasay City.

Inakalang walang pagmamahal sa kanya kaya’t nagawang saksakin ng ilang ulit ni Alfredo Villavert, Jr., ang sariling amang si Alfredo Villavert, Sr., 64, ng 551 E. Rodriguez Ext., ng lungsod.

Nang makitang duguang tumimbuwang ang ama, tumakas ang suspek dala ang patalim na ginamit sa pagpaslang sa ama.

Naisugod pa sa Pasay City General Hospital ang matandang Villavert, Sr., pero binawian din ng buhay sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Makalipas ang tatlong oras, isinuko ng kanyang mga kapatid ang suspek na umano’y drug addict at miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik Gang.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Ricardo Mallong, Jr., nakaupo sa sopa at nagpapahinga ang mag-asawang Alfredo at Marietta Villavert, dakong 12:30 ng hapon, nang lapitan ng suspek at kinompronta ang ama kaugnay sa umano’y hindi parehas na pagmamahal sa kanyang mga anak.

Tinanong ng suspek ang ama kung mahal siya na tinugon ng biktima na mahal niya ang anak pero hindi pinaniwalaan ng suspek .

“Hindi ako naniniwala, hindi ko maramdaman, Papa, ibigay mo naman sa akin! Iparamdam mo naman sa akin ‘yon pagmamahal mo. Nahihirapan na ako, ‘yon lang naman ang hinihingi ko, kahit hindi masarap ang pagkain basta magkakasundo tayo,” sabi ng suspek.

Sinabi pa ng suspek na imbes mamatay siya, ang ama na lang ang papatayin niya.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …