INIHARAP kahapon sa mga mamamahayag ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ang pangunahing suspek sa pagpatay sa kanyang mag-ina, dahil sa matinding selos, matapos maaresto nitong Martes ng hapon, sa isang hotel sa Tuguegarao City, Cagayan.
Sasampahan ng kasong double parricide ng pulisya ang suspek na si Danilo Rafael, Sr., 55, matapos patayin ang kanyang mag-inang sina Fe Rafael, 54, at Danilo, Jr., 18.
Sa follow-up operation ng Parañaque city police, natunton si Danilo, Sr., sa isang hotel sa Tuguegarao City, Martes ng hapon at nakuha ang isang caliber .45 at siyam na bala na ginamit umano sa pagpatay sa asawa’t anak.
Walang kaanak o kakilala si Danilo, Sr., sa Cagayan, pero isang impormante ang nagturo sa suspek na nagtatago sa nasabing probinsiya.
Inamin ni Danilo, Sr., sa harap ng alkalde at Parañaque city police chief Sr. Supt. Ariel Andrade, na napatay niya ang kanyang mag-ina sanhi ng matinding galit at selos.
Ikinatwiran ng suspek na hindi niya binalak ang pagpatay sa kanyangmag-ina at self-defense lamang ang nangyari.
Nagawa niyang barilin ang anak at tinakpan niya ng unan upang hindi lumikha ng ingay bago isinunod ang misis.
Inilagay niya ang mag-ina sa compartment ng sasakyan at dinala sa harapan ng bahay ng kanyang biyenan sa Multinational Village, Barangay Moonwalk.
(JAJA GARCIA)