INIREKLAMO ng mga magulang ng 25 pupils ang isang guro na nagpakain ng cellophane sa kanilang mga anak sa isang elementary school sa Agusan del Sur.
Tiniyak ng Department of Education (Dep-Ed) – Agusan del Sur Division, na hindi palalampasin ang ginawa ng guro na si Camisi Marloe Baito ng San Luis Central Elementary School sa San Luis, Agusan del Sur.
Nabatid na nagsumbong sa kanilang mga magulang ang mga mag-aaral sa pagpapakain sa kanila ng guro ng cellophane ng junk food.
Dahil sa takot ng mga estudyante, marami sa kanila ang nakalunok nito, bagay na ikinagalit ng kanilang mga magulang.
Nabatid na ang nasabing guro ay may 18 taon nang nagtuturo sa nasabing paaralan.
(BETH JULIAN)