DANGEROUS DRUGS. Iprenesinta nina Bureau of Customs-Enforcement Security Services Director Gen. Willie Tolentino, BoC-NAIA District Commander Lt. Regie Tuason, at CMEC-OIC Collector Arman Noor ang nasabat na P3,780,000,00 halaga ng restricted drugs gaya ng Valium, Ativan, Dormicum, Diazepam, Rivotril, Ritalin, matapos maharang ng mga tauhan ng BoC-Anti Illegal Drugs Task Force sa Central Mail Exchange Center, Postal Corporation sa Parañaque City. (BONG SON)
Anim sako ng restricted drugs mula Pakistan, na tinatayang nagkakahalaga ng P6-M, ang nasabat ng Bureau of Customs (BoC) sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.
Idineklarang ukay-ukay ang laman ng mga sako pero nang buksan ay tumambad ang Valium, Ativan at iba pang sedative, na tinatayang nasa 60 kilos.
Naka-consign sa isang taga-Metro Manila na hindi pa pinapangalanan, ang nasabing kontrabando.
Isinagawa ang operasyon ng mga awtoridad, matapos makatanggap ng report na may ibabagsak na restricted drugs sa lugar.