Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Makati transport leader itinumba

BINARIL sa ulo ng hindi nakilalang suspek ang lider ng isang transport group sa siyudad ng Makati, kamakalawa ng gabi .

Nadala pa sa Ospital ng Makati ang biktimang kinilalang si Bemindo Jose, 63, pangulo ng Highway-54 Pateros Drivers Association (HIPADA), ng 174 Dalandan St., Brgy. Comembo, pero binawian ng buhay sanhi ng tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Jason David ng Makati police Homicide Section, dakong 9:00 ng gabi nang mangyari ang pamamaslang sa Pateros Old Terminal, sa P. Victor St., Brgy. Guadalupe Nuevo.

Sa pahayag ng testigong si Rene Robosa, chairman of the board ng HIPADA, hinihintay niya ang biktima upang isakay sa minamaneho niyang motorsiklo nang mapansin niya ang paglapit ng isang lalaki at biglang binaril sa ulo ang biktima.

Kaagad tumakas ang suspek patungo sa loob ng Guadalupe mall matapos ang pamamaslang.

Blanko ang pulisya sa motibo sa nasabing pagpatay pero may hinala ang mga awtoridad na posibleng hindi pagkakaunawaan sa loob ng  organisasyon ang isa sa mga ugat ng krimen.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …