Monday , December 23 2024

Estudyante hinalay ng manliligaw (Laging dinadalhan ng breakfast)

“Nagulat na lamang po ako nang pumasok siya sa kuwarto ko. Akala ko dadalhan lamang niya ako ng almusal, kasi lagi po niyang ginagawa ‘yun. Tapos bigla na lamang niya ako  pinaghahalikan hanggang maitumba niya ako.”

Ang maluha-luhang salaysay  ng 19-anyos  estudyante,  at galit na itinuro ang suspek na humalay sa kanya  sa Malabon City, kamakalawa ng umaga.

Swak sa kulungan ang suspek na kinilalang si Rodrigo Calleja, 31-anyos,  ng #96 Guyabano Road, Brgy. Potrero ng lungsod, nahaharap sa kasong rape.

Sa ulat ng Women and Children Protection Desk (WCPD) Malabon Police, naganap ang insidente dakong 5:00 a.m. sa loob ng inuupahang kuwarto ng biktimang itinago sa pangalang Deniece, 19, kapitbahay ng suspek.

Nagising ang biktima sa mga katok ng suspek at nang makapasok  sa loob ng inuupahang kwarto, biglang pinaghahalikan ang biktima hanggang mailugso ang kanyang  puri.

Matapos makaraos ang suspek, parang balewalang umalis hanggang makahingi ng tulong ang biktima at ipinaaresto ang suspek na masugid na manliligaw ng dalaga.

(rommel sales)

About hataw tabloid

Check Also

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *