Monday , December 23 2024

5 parak sibak sa blotter vs Vhong (Proseso palpak)

LIMANG pulis ng Southern Police District Office (SPDO) ang sinibak sa pwesto kahapon, kabilang ang dalawang opisyal, na nagproseso sa pagpapa-blotter ng grupo ni Cedric Lee at Deniece Cornejo laban sa actor/TV host Vhong Navarro, nitong  Enero 22,  sa Taguig City.

Ayon kay SPDO Director, Chief Supt. Jose Erwin Villacorte, pansamantala nilang inalis sa pwesto ang hepe ng District Investigation and Detective Management (DIDM), si Supt. Nelson Bautista;  si PO3 Dalmacio Lumiwan, ang nagsulat sa blotter; inalis din ang noo’y officer of the day at naka-duty sa presinto na sina Sr. Insp. Eduardo Alcantara; police officers (POs) 3 Rolly  Laureto at Eugene Pugal.

Inilipat ang limang pulis  sa District Personnel Holding Unit ng SPDO habang isinasagawa ng District Internal Affairs Service (DIAS) ang imbestigasyon.

Posibleng maharap ang lima sa administrative lapses case sa hindi nila pagpapa-medical exam kay Navarro, kahit nakita  nilang maga ang mukha ng actor/TV host dahil sa pagkabugbog.

Nilinaw ng SPD Director Chief Supt. Villacorte, kung mapatunayan nagkulang ang mga pulis, maparurusahan sila, pero kapag napatunayang ginawa nila ang lahat at walang naging pagkukulang ay ibabalik din sila sa kanilang pwesto.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *