Saturday , November 16 2024

2 septuagenarian, pamangkin patay sa Tondo fire

020514_FRONT
DALAWANG septuagenarian at isang pamangkin, ang  natagpuang   magkakahawak ang kamay at magkakapatong ang bangkay, sa Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon .

Kinilala ang mga biktimang sina Gloria Calma, 76, kapatid nitong si Corazon Calma, 72, at pamangkin  na si Rochelle Calma, 37, mga residente ng 537-A, Francisco St., Tondo.

Ayon sa ulat ni Arson Investigator  SFO3 John Joseph Jalique  ng Manila Fire Department, dakong 1:20 ng hapon nang nagsimula ang sunog sa unang palapag ng bahay na nirerentahan ng mga biktima.

Natutulog ang mga Calma nang magsimula ang sunog at huli na nang mapansin na kumalat na ang apoy kaya hindi na nagawang makalabas ng mga biktima mula sa nasusunog na bahay.

Ayon kay Jalique,  nakita ang  bangkay ng mga biktima na magkakapatong sa loob ng comfort room sa ikalawang palapag.

Tumagal ng isang oras ang sunog na umabot sa ikatlong alarma at 10 bahay pa ang nadamay. Iniimbestigahan na kung ano ang pinagmulan ng apoy.

ni leonard basilio

About hataw tabloid

Check Also

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *