Thursday , November 14 2024

Kaya kong patayin si Davidson — Duterte (‘Pag bumalik sa Davao)

020414_FRONT

ITO ang tahasang pahayag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagdalo sa pagdinig ng Senado kahapon kaugnay sa rice smuggling sa bansa.

Ayon kay Duterte, kaya niyang barilin si Bangayan kapag bumalik sa Davao, kahit pa ang magiging kapalit ay ang kanyang pagkakakulong.

Iginiit din ni Duterte na dapat tutukan ng gobyerno ang imbestigasyon kay Bangayan dahil wala nang ibang David Tan na notoryus sa rice smuggling kundi siya lamang.

Positibong kinilala ni Duterte si Davidson Bangayan bilang David Tan na sinasabing hari ng rice smuggling sa bansa lalo na sa lungsod ng Davao.

Sa pagdinig ng Senate committee on food and agriculture, halos komprontahin ni Duterte si Bangayan nang ituro na siya ang tinutukoy sa mga retratong kanyang inilabas sa media na sinasabing utak ng rice smuggling hindi lamang sa Davao kundi sa buong bansa.

Tahasan din  sinabi ni Duterte na si Bangayan ang mastermind ng rice smuggling dahil siya ang may contacts sa halos lahat ng pantalan sa buong bansa mula sa Mindanao hanggang Luzon, kabilang na sa Davao, Cebu, Cagayan de Oro at Metro Manila.

Sinasamantala rin aniya ni Bangayan ang farmer cooperatives sa pamamagitan ng pagpondo sa rice importation.

nina CYNTHIA MARTIN/NIÑO ACLAN/JASON BUAN

Davidson inaresto ng NBI sa Senado  (Nakalaya sa piyansa)

INARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) si Davidson Bangayan alyas David Tan pagkatapos ng pagdinig ng Senate committee on agriculture and food kaugnay ng rice smuggling issue sa bansa.

Matapos ang Senate hearing, agad lumapit sa upuan ni Bangayan ang NBI agent at ineskortan siya palabas ng plenary hall.

Bago ito, idineklara ni Justice Sec. Leila De Lima na aarestohin na nila si Bangayan matapos lamang ang pagdinig.

Ngunit ang pag-aresto kay Bangayan ay walang kinalaman sa rice smuggling kundi dahil sa kautusan ng Caloocan RTC kaugnay ng kasong paglabag sa Anti-Electricity Pilferage Act o pagnanakaw ng koryente.

Naging mabilis ang pagkilos ng NBI na matapos makababa sa Senate building ay agad humarurot ang sasakyan sakay si Bangayan papuntang headquarters sa Taft Ave., Ermita, Maynila.

Una rito, isinulong ni Senate minority leader Juan Ponce Enrile ang pagsasailalim sa contempt kay Davidson.

Ito ay matapos magmatigas si Bangayan sa pagdinig na hindi siya si “David Tan” na sinasabing “big time rice smuggler” sa Filipinas.

Agad din nakalaya ang negosyante matapos ang ilang oras.

Imbes sa Caloocan Regional Trial Court Branch 126 magbayad ng kanyang piyansa si Bangayan, nagbayad siya ng P40,000 bail sa Manila RTC Branch 20 dahil sarado na ang korte sa lungsod ng Caloocan na naglabas ng arrest warrant laban sa kanya. (CYNTHIA MARTIN/ NIÑO ACLAN/JASON BUAN)

PERJURY NAKAABANG

SASAMPAHAN ng Senado ng kasong perjury si Davidson Bangayan, itinuturong si David Tan na sinabing nasa likod ng bigtime rice smuggling sa Filipinas.

Ito ay matapos i-contempt si Bangayan ng Senado dahil sa pagsisinungaling sa pagdinig ng Senate committe on agriculture and food nang magmatigas at mariing itinanggi na siya ang bigtime rice smuggler na si David Tan.

Ayon kay Committtee chairperson Sen. Cynthia Villar, malinaw na nagsisinungaling si Bangayan sa mga dokumentong hawak ng Senado kabilang na ang court records na mismong si Bangayan ang nagdeklarang siya si David Tan.

(CYNTHIA MARTIN)

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *