OVER the weekend, pumalag ang grupo ng Airline Operators Council (AOC), binubuo ng mga legitimate various airline officials na nakabase sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, laban sa pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) higgil sa pagpapatupad ng building rehabilitation.
Sa isang ekslusibong pakikipanayam kay Mr. Leoncio ‘Onie’ Nakpil, spokesperson ng AOC, pakiramdam umano ng mga opisyales at miyembro ay parang ‘nabastos’ sila nang kaagad na simulan ang rehabilitasyon.
Binigyang-diin ni Ka Onie, na mukhang hindi isinaalang-alang ni MIAA general manager Jose Angel Honrado ang magiging epekto ng paglilipat ng lahat ng mga tanggapan ng iba’t ibang airline companies sa labas ng NAIA Terminal 1.
Kaya naman nitong nakaraang Huwebes, nagsumite ang AOC ng kanilang resolusyon sa MIAA na nilagdaan ng may 39 international airline companies at 25 domestic airline companies na humihikayat sa MIAA na makipag-dialogo para sa plano ng building and structural rehabilitation ng NAIA T1 bago pa man ipatupad.
“AOC’s alarm over the unprecedented lack of dialogue and coordination and the high-handed manner by which the authorities have disregarded the sentiments of the airlines over the safety, security and convenience of their passengers and the public at large,” ani Ka Onie.
Idinagdag pa niya, “The AOC was stunned by the extremely short notice the MIAA served upon our members that required them to relocate their offices. This has never happened before.”
Kalakip din ng AOC resolution ang paghimok sa MIAA na pansamantalang ihinto muna ang rehabilitasyon habang nakabinbin pa ang coordinative dialogue sa mga taga-airline at ground handling agents para sa maayos na plano na isasagawa at higit sa lahat ay importanteng maiwasan ang panganib sa mga pasahero.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com