Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Adik na Bombay niratrat ng kaanak

MAY kinalaman sa paggamit ng ilegal na droga  ang  nakikitang motibo ng mga awtoridad, nang pagbabarilin ang isang Indian national ng kanyang mga kaanak, sa Caloocan City kamakalawa ng gabi .

Kritikal ang kalagayan ng biktimang si Amreek Singh, nasa hustong gulang, residente sa Barangay Bagbaguin, sanhi ng mga tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Arestado ang mga suspek na sina Prapjut Singh, Burmak Singh, Satuk Singh, at pinaghahanap ang isang Bikram Jeek Singh, na mga kaanak ng biktima.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 10: 00 kamakalawa ng gabi, nang maganap ang pamamaril sa harap ng bahay ng biktima.

Kausap ni Amreek ang asawa at anak na  lalaki nang dumating ang dalawang motorsiklo sakay ang apat na suspek na siyang bumaril kay Amreek. Bagama’t katabi hindi tinamaan ng bala ang anak niyang si Amman Preet.

Nabatid na bagong laya ang biktima sa kasong paggamit ng droga at ang nagpakulong ay ang mga kaanak niyang suspek.

(rommel sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …