Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-ina patay sa compartment ng sariling kotse (Erpat itinurong suspek)

020314_FRONT

WALA ng buhay nang matagpuan ang mag-ina sa  compartment ng kanilang kotse, sa Parañaque city kahapon ng  hatinggabi .

Kinilala ni Parañaque city police chief Senior Supt. Ariel Andrade, ang mag-inang sina Fe Rafael, 54,  at anak na si Danilo Rafael, Jr., 18, nakatira  sa panulukan ng Timothy at Narra Streets, Multinational Village, Barangay Moonwalk.

Sa inisyal na imbestigasyon, kapwa may palo sa ulo ang  mag-ina na kanilang ikinamatay.

Sa imbestigasyon ni PO1 Pio Calvo, ipinaalam ni Daniel Castro, Jr., 43, kapatid ni Fe, sa mga awtoridad na nadiskubre nila ang mga bangkay sa compartment ng kotseng Ford Fiesta, may plakang TQU-896,  nakaparada sa harap ng bahay ni Castro sa 7-A Narra St., Multinational Village, dakong 12:30 ng madaling araw.

Ipinagtaka ng kaanak ng mag-ina kung bakit nakaparada sa lugar ang nasabing sasakyan at nang  kanilang inspeksiyonin, tumambad sa kanila ang bangkay nina Fe at Daniel, Jr.

Ayon sa pulisya, ang hinihinalang suspek ay ang mister ng ginang na si Danilo Rafael, Sr., 54, kasalukuyang pinagha-hanap ng mga awtoridad.

“Masyado raw seloso ang suspek at madalas na nagtatalo ang mag-asawa. Nang puntahan ng follow-up unit ang bahay ni Danilo, Sr., wala siya roon at hindi pa alam kung sa loob ng kanilang bahay nangyari ang krimen,” pahayag ng pulisya.

Pansamantalang inilagak ang bangkay ng mag-ina sa People’s Funeral Homes para sa awtopsiya.

ni JAJA GARCIA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …