Wednesday , May 7 2025

Epektibo ang adjustment ng Petron

OBVIOUSLY, ang pinaghahandaan ng Rain Or Shine nang husto ay kung paano dedepensahan si June Mar Fajardo na siyang main weapon ng Petron Blaze hindi lang sa kanilang semifinals series kungdi sa kabuuan ng Philippine Cup o ng season.

Kay Fajardo na nakasalalay ang kinabukasan ng Boosters for now.

Kung madodomina ni Fajardo ang liga, natural na madodomina ng Petron ang kalaban sa kasalukuyang conference at sa mga dadating pa.

So, ang battle cry ng sinumang makakatapat ng Petro ay: Stop Fajardo, stop Petron!

At iyon naman talaga ang nangyari sa unang dalawang games ng best-of-seven semis ng PLDT myDSL PBA Philippine Cup.

Si Fajardo ang pinuntahan ng opensa ng Petron, siya ay pinigilan at pinahirapan ng Rain Or Shine at nanalo ang Elasto Painters.

So, ang bigatng adjustmenrts ay napunta sa balikat ni Petron coach Gelacio Abanilla III.

Ano ang dapat gawin?

Simple. Huwag pilitin kay Fajardo. Marami namang ibang sandata ang Petron, e. nasa kanila ang reigning Most Valuable Player na si Arwind santos. Nasa kanila ang matinding point guard na si Alex Cabagnot. nasa kanila ang mga dating shooters ng Gilas Pilipinas na sina Chris Lutz at Marcio Lassiter. marami pang ibang puwedeng puntahan.

Doon nga sila nagpunta sa Game Three.

Hindi pinilit ni Fajardo ang kanyang opensa at naidikta ng Petron ang laro.

Nang malaki na ang abante ng  Boosters matapos ang first half, doon lang hinanap ni Fajardo ang kanyang puntos, Katunayan, nagmintis siya sa unang anim na tira niya sa third quarter kung kaya’t nagkaroon ng run ang Rain Or Shine.

Pero nang hindi na siya nagpilit, muling umarangkada ang Petron at hindi na nakahabol ang Elasto Painters.

Siguradong pinag-aralan ng Rain Or Shine ang naging strategy ni Abanilla sa Game Three.

Siguradong ibang klaseng depensa ang gagawin ng Elasto Painters sa Game Four mamaya.

Malabong magkatambakan ulit!

Sabrina Pascua

About hataw tabloid

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *