Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pag-naturalize ng 2 NBA players pabibilisan

SISIKAPIN ng House of Representatives na pabilisin ang pag-naturalize ng dalawang sentro ng NBA na sina JaVale McGee at Andray Blatche para makasama sila sa Gilas Pilipinas na sasabak sa FIBA World Cup sa Espanya mula Agosto 30 hanggang Setyembre 14.

Naghain si Rep. Robbie Puno ng Antipolo ng House Bill 3783 at 3784 para gawing naturalized sina McGee at Blatche na parehong dating magkakampi sa Washington Wizards sa NBA.

Ayon kay Gilas coach Chot Reyes, kailangan ng dalawa pang mga naturalized na manlalaro para tulungan si Marcus Douthit na 33 taong gulang na.

Si Puno ay ang kongresistang naghain ng batas para maging naturalized si Douthit noong 2011.

“It took us one year for Marcus to get naturalized,” wika ni Reyes. “I understand that JaVale is to undergo surgery for his injured shin so it’s not sure if he will join us in Spain . Blatche is still young at 28 years old and he has already signified his intention to play for us.”

Aalis si Reyes ngayon patungong Espanya para dumalo sa bunutan para sa FIBA World Cup na gagawin sa Pebrero 4 at kasama niya sa biyahe ang team manager ng Gilas na si Aboy Castro.

Malalaman ngayon din ang mga apat na wildcard na bansang kasama sa World Cup na kinabibilangan ng Brazil, Greece, Turkey, Canada, Nigeria, Venezuela, Qatar, Bosnia and Herzegovina, Finland, Israel at Poland.

Umatras na ang Tsina,  Rusya, Alemanya at Italya.

Natuwa rin si Reyes dahil sa desisyon ng PBA na muling baguhin ang iskedyul ng kasalukuyang season para bigyan ng mahabang panahon ang Gilas para mag-ensayo para sa FIBA World Cup.

Sa ilalim ng bagong iskedyul, gagawing best-of-five na lang ang finals ng Commissioner’s Cup at Governors’ Cup at matatapos ang PBA season sa Hulyo 15 kaya tatagal ng halos isang buwan ang todo-todong ensayo ng Gilas.

Sa ngayon ay tuwing Lunes muna ang ensayo ng Gilas na magsisimula pagkatapos ng finals ng PBA Philippine Cup.

Bukod sa FIBA World Cup, sasabak din ang Gilas sa Asian Games sa Incheon, Korea, mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4 kaya sa Oktubre 19 ang pagbubukas ng 2014-15 PBA season.

Tungkol sa pagdagdag ng ibang manlalaro sa Gilas, sinabi ni Reyes na makikipag-usap  pa siya sa coaching staff at sa PBA bago ihayag ang listahan sa publiko.

Ni JAMES TY III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …