Monday , December 23 2024

Malolos Mayor, 1 pa grabeng napinsala (Driver bodyguard patay sa banggaan)

020114_FRONT
NAKARATAY sa pagamutan ang alkalde ng Malolos City at ang kanyang close-in security habang agad binawian ng buhay ang kanyang driver-bodyguard matapos salpukin ng Isuzu Tractor Head ang sinasakyan nilang Mitsubishi Montero sa intersection ng Pulilan – Plaridel Bypass Road sa bahagi ng Brgy. Sto. Cristo, Pulilan, Bulacan, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lulan ng Montero si Mayor Christian Natividad at nakaupo sa likurang bahagi kasama ang kanyang mga bodyguard, nang bigla na lamang bumulaga sa kanilang harapan ang truck mula sa kaliwang bahagi ng intersection na humantong sa banggaan.

Agad binawian ng buhay ang driver-bodyguard na si Roderick Santiago, naipit sa driver seat ng sasakyan na nayupi ang kaliwang bahagi ng harapan.

Grabe naman ang naging pinsala ng alkalde at ng kanyang isa pang bodyguard na kasama sa sasakyan.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng truck na hindi agad nakuha ang pangalan, sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide, serious physical injuries and damage to property.

ni DAISY MEDINA

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *