BUKAS po ay sasalubungin ng mga Chinese sa buong mundo ang pagpasok ng “Year of the Wood Horse” kasama na po ang mga Tsinoy dito sa ating bansa.
Gaya nang dati, maraming pamahiin at kaugalian tayong nakikita at ginagawa ng marami sa atin. Mayroon ngang gumagastos pa talaga para magpa-Feng Shui, bumibili ng kung ano-anong lucky charm para laging masagana umano ang buhay sa loob ng isang taon.
Ilang feng shui master ang nagsabi na ang taon ng wood horse ay maswerte para sa ekonomiya ng bansa. Dahil ang kabayo umano ay masipag, malakas at may kakaibang determinasyon para isakatuparan ang kanyang mga plano at balakin sa buhay.
Wish lang natin na mahawa o maambunan man lang ng mga katangiang ito ang ating bansa lalo na ‘yung mga namumuno.
Maging lucky nga sana ang “year of the wood horse” sa ating gobyerno para naman makaahon tayo kahit na paunti-unti.
Sa mga kababayan natin na naniniwala sa Feng Shui, wala pong masama riyan lalo na kung mayroon naman kayong pambili ng mga lucky charm at mayroong pangsunod sa mga pamahiing ‘yan, pero huwag po nating kalilimutan na tayo rin mismo ang gagawa ng ating kapalaran.
Tayo ang gagawa ng swerte natin.
Sa mga inalat nitong nakaraang taon, huwag natin kalilimutan ang kasabihang, “Tomorrow is another day.”
‘Wag po kayong mawalan ng pag-asa, mas importante po na tayo’y may kakayahang bumangon sa tuwing tayo’y madadapa.
Sa inabot ng alat bago pa pumasok ang year of the wood horse especially si Vhong Navarro, isa lang ang masasabi natin …STOP HORSING AROUND!
Sa lahat, SHIN NIEN KWAI LOK!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com